Kahalagahan ng Teknikal Bokasyonal na Sulatin

 

Ang teknikal na bokasyonal na pagsulat ay isang komunikasyong pagsulat sa mga larang mayroong espesyalisadong bokabularyo tulang na lamang ng inhenyera, agham, teknolohiya at agham pangkalusugan.Mahalaga rin na malinaw, nauunawaan at kompleto at tama ang mga inilalahad na mga impormasyon.

AngTeknikal-Bokasyonal na Pagsulat ay maaring magamit sa:

1. Upang maging batayan sa desisyon ng namamahala
2. Upang magbigay ng kailangang impormasyon
3. Upang magbigay ng introduksyon
4. Upang magpaliwanag ng teknik
5. Upang mag-ulat ng natamo (achievement)
6. Upang mag-analisa ng may suliraning bahagi (problem areas)
7. Upang matiyak ang pangangailangan ng disenyo at sistema
8. Upang maging batayan ng pampublikong ugnayan
9. Upang mag-ulat sa mga stockholders ng kompanya
10. Upang makabuo ng produkto
11. Upang makapagbigay ng serbisyo
12. Upang makalikha ng mga proposal

Napakahalaga rin nito sa paraan ng pagsulat at komunikasyon para sa mga propesyunal na pag sulat tulad na lamang ng ulat pang labolatoryo, mga proyekto, mga panuto at mga diagram. Nagbibigay rin ito ng tumpak na impormasyon na magagamit sa isang espisipikong sularanin. Ang pokus ng teknikal-bokasyonal na pagsulat ay ang introduksyon ng mga mag-aaral sa iba’t-ibang uri ng pagsulat na kailangan sa gawaing teknikal na oryentasyon.

Taglay nito ang anyo ng:
Flyers                                Sulating akademiko                    Leaflets
Dokumentasyon                Feasibility study
Naratibo                            Deskripsyon ng produkto
Ulat                                   Promo material

Mahalagang malaman nag mga katangian ng teknikal-bokasyonal na pagsulat kung ikaw ay naghahangad na maging propesyonal na manunulat.Maraming klase ng pagsulat at bawat uri ay may layunin. Naiiba ang teknikal-bokasyonal ng pagsulat sa kadahilanang ito ay higit na naglalaman ng mga impormasyon. Ang layunin ng ganitong uri ng pagsulat ay maipaliwanag ng ibat’t-ibang paksa sa mga mambabasa.

Ang teknikal-bokasyonal na pagsulat ay :
naglalahad at nagpapaliwanag ng paksang-aralin sa malinaw , obhetibo, tumpak, at di-emosyonal na paraan. Ito rin ay gumagamit ng deskripsyong ng mekanismo, deskripsyon ng proseso, klaripikasyon, sanhi at bunga, paghahambing at pagkakaiba , analohiya at interpretasyon. Gumagamit din ito ng mga teknikal na bokabularyo. Maliban pa sa mga talahanayan, grap, at mga bilang upang matiyak at masuportahan ang talakay tekswal.



                           


Comments